Linggo, Oktubre 16, 2011

Stitches and burns.

haha wala na talagang pansinan simula nitong october. ok na din siguro yun. mamimiss ko syang kasama sa totoo lang pero ok lang yun. di ko pa din matanggap na nainlab sya kay bentong lol. totoong pagmamahal ba talaga yun? o dahil mayaman si bentong? HAHAHAHA! bitter? siguro. e taena naman kasi ang sagwa isipin e lol. taena tapos pa best fren best fren pa sya last month lol nakakainis yung panggagago nya. tinake advantage nya yung pagiging "baliw" ko sa kanya syet. charged to experience. hindi na muna siguro ako magsusugal ng ganun para sa isang babaeng hindi ko pa naman talaga kilala. e taena kasi ambait bait nya nung una naming pagkikita e yun pala parang ganun lang sya sa mga naging kliyente nya fuck fuck fuck. asar. goodluck na lang anne talaga. ayoko na. bayaran mo na ako please? kelangan ko na talaga ngayon ng pera. naging panakip butas ba ako sa loob ng isang buwan? siguro oo nga lol. ang hapdi syet hahahaha!

Pag ikaw nag yaya
Pag nangailangan ka
Wag ka sakin pumunta


nagenjoy ako talaga kahapon. ansaya pag ganun yung pagakyat at mga kasama. minsan nakaka OP nga lang pero ok lang yun di naman kasi maiiwasan yun hehe. si elvin may syota na din sabay taga south pa lol. ano ba kasi ang meron sa mga babae sa south? di ko din maintindihan. sana makasama uli ako next time sa kanila. nagenjoy talaga ako kahapon hehe. sana makahabol din ako sa estado ng buhay nila. sobrang napagiwanan na ako =( sana mabigyan na ako ng chance para humabol kahit onte lang sa kanila. sana din next time kung sakaling umakyat man ako sana may partner na din ako sa pagakyat =) libre lang mangarap mark. dream on..

Sabado, Oktubre 8, 2011

South.

ano bang meron ang mga babae dyan sa south na wala dito sa north? bakit halos lahat ng natipuhan kong babae e taga south? nakakainis sana may makita akong babae na taga dito lang. namimiss ko na uling mainlove sa totoo lang. pasensya na marian pero di ko talaga pwedeng sabihin sayo ang mga nangyari sa akin last september. mas magagalit ka sigurado kung malaman mo man kung anong mga nangyari sa akin last september. sana magkatrabaho na ako uli. sana yung malaking sahod pero hindi ganun kalakas kumain ng oras. sana makita ko na ang aking irene.


nakakatuwa. naghalungkat ako ng mga lumang pics kanina. ang bilis ng panahon biruin mo magsisix years na pala yung ibang pics dun. ako lang ata ang walang pinagbago sa itsura maliban lang e stressed na yung mukha ko at kita na yung guhit sa mukha mala itachi. ako na lang din ata ang hindi pa asensado sa kanila. nakakalungkot.. sana makahabol na ako sa kanila. sana dumating na yung hinihintay kong break na makakapagpabago sa buhay ko/buhay ng pamilya ko.. please please please =(

Biyernes, Oktubre 7, 2011

the juice is not worth the squeeze

ok ilang lalake pala ang pinagloloko nitong si anne (at isa na ako dun). ayaw ko ng magtiwala sa kanya. tapusin ko na to lol. kelangang masingil ko na yung pera para matapos na to. kala ko magbabago na sya. mukhang mas malala tong ginagawa nya ngayon. madami syang ginagatasan. tsk.. tsk.. tama na tong kagaguhan na to. hindi sya si jen. isang malaking kagaguhan tong pinasok ko. malas. oh well charged to experience. bahala ka na anne. hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa isip mo.. sana isang araw magbago ka na for good at mahanap mo na yung taong talagang mamahalin mo. sa totoo lang nasasaktan ako ngayon pero walang luha na gustong pumatak. siguro dahil expected ko na itong mangyayari. ok na din siguro to kesa naman pag tumagal pa e mas malala pa ang kakalabasan. nakakadismaya ka talaga anne... =( oh well. nice to know you na din. salamat sa oras na nagkasama tayo.. enjoy na lang dyan sa pinaggagawa mo ngayon.. magbago ka na oi. goodluck na lang sayo at dyan sa DOM mo ngayon. kala ko pa naman tinuturing mo akong totoong kaibigan? bestfriend? kagaguhan.


sana meron nung dreamgirl na hinahanap ko. yung simple,madaldal at maganda. yung dubista din at medyo mahilig sa anime. yung babaeng pwede kong makasama sa bawat gig/concert. yung babaeng pwede kong dalhin dito o kaya naman ako ang dumalaw sa kanila. yung babaeng pwede kong mapakilala sa lahat ng taong malapit sa akin. wrong move ang paghahanap sa isang katulad ni jen. sana may babae akong makilalang mala-irene hehe. gago! bago ka maghanap ng irene mo e unahin mo munang humanap ng trabaho. pano ka makikipagdate nyan kung bum ka?

Lunes, Oktubre 3, 2011

sinungaling.

kala ko kilala ko na sya kahit papaano mukhang malayong malayo pa ako dun. ginagawa akong tanga nitong si anne. retreat pala kasama ang nanay nya e ang kasama nya yung isang psp etc. lol. ayaw ko na lang syang awayin kasi alam kong enjoy na enjoy naman sya dun. nagkakalokohan lang pala kami hahaha. tinuturing kitang kaibigan anne e ako kaibigan ba talaga ang turing mo sa akin? hindi mo na naman kelangang magsinungaling sa akin dahil maiintindihan naman kita kung sakali. pero sino nga naman ba ako sayo para sabihin mo yang mga pinagagawa mo? nakakasama ng loob. nakakawalang gana. kala ko sya na si jen. kala ko sya na si daniel. ASA pa mark. ASA pa. dream on dude. malabong mangyari yun. gumising ka na mark at wag ng magbulag bulagan. nainlove na naman ako sa maling babae nakakainis =( siguro hindi si jen ang kelangan kong makita. tama nga si lyka mas ok si irene.


mark wag ka munang maghanap ng babaeng mamahalin mo. unahin mo muna yang career mo. mas importante yan sa ngayon. tandaan mo tumatanda ka na.. wala ka pa ding nagagawang matino sa buhay mo. lord sana po pagbigyan nyo na si mark sa hinihiling na "opportunity" please po.. salamat.

Biyernes, Setyembre 23, 2011

bouken desho desho?

Simula nung 1st week of september andaming nagbago. Chinachat na nya ako, tinitext nya din ako paminsan minsan at medyo napapadalas din ang pagkikita namin ni anne. Tumigil na sya sa kanyang trabaho (Sana nga) at sinusubukan nya ding pigilan ang kanyang pagyoyosi. Sobrang masaya ako sa mga nangyayari pero kasama ng saya e natatakot din ako.. Pano kung may mga pumoporma na sa kanya? Pano kung may new friends na siya? Pano kung nagsisinungaling sya sa akin? pano kung sawa na sya sa akin? =/ Gusto ko pa syang mas makilala pa pero hindi ko alam kung pano ko sya iaapproach. Sa sunday pupunta kami ng manila zoo at magiistarcity kami.. Sa totoo lang sobrang excited na ako pero pinipigilan ko ang sarili ko baka kasi majinx e.. Nabanggit nya na babawi sya sa tanduay 1st 5.. Sana makapunta sya kahit wala syang hilig sa mga banda banda.. Nabanggit nya din sa akin na dadayo sya dito sa north.. kelan kaya yun? sana magkatotoo.. itotour ko sya dito kung matuloy man =) Sa ngayon ieenjoy ko na lang muna itong mga oras na chinachat/tinetext at sinasamahan nya ako.. Madami syang plano para sa amin.. starcity,manila zoo, EK, dayo sa fairview, foodtrips, baclaran, tanduay 1st 5, octoberfest next year, japanese foods etc..Sana wag muna syang magsawa sa akin.. Sana wag muna syang magboyfriend... Sana di na sya bumalik sa dati nyang trabaho.. Sana magbago na sya for good... Sana magpatuloy lang ang pagkakaibigan namin..Siya ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon,,, naging exciting na sa wakas ang buhay ko simula nung kinaibigan na ako ni anne =)


3 1/2 days na lang mawawala na ako sa pandiman... masaya ako dahil makakawala na ako sa kumpanyang yun,, pakiramdam ko sobrang nastress ako habang nagsisilbi sa pandiman.. maraming salamat sa lahat ng mga naging kaibigan at sa lahat ng mga natutunan ko sa kumpanyang yun.. sana magbago na ang pamamalakad nyo para naman maging loyal ang mga bago nyong empleyado sa inyo.. sana makahanap ako agad ng trabaho.. natatakot ako pag iniisip ko ang bukas sa totoo lang.. sana lord pagbigyan mo na ako sa hinihingi kong "opportunity" para makatulong na ako kina mama at sa lahat ng mga nakapaligid sa akin.. lord please po pagbigyan mo na ako.. gusto ko din kasing magtuloy tuloy lahat ng mga plano namin ni anne... maraming salamat po at hinayaan nyo akong maging kaibigan nya.. kayo na po ang bahala sa amin. salamat po uli =)

It's an adventure right right?

Lunes, Setyembre 5, 2011

Mariposa.

pagkatapos ng isang napakasayang araw kahapon eto na naman ako sobrang nalulungkot. may kathreesome pala sya ngayon. wala akong magawa. trabaho nya yun e.. at mukhang enjoy naman sya sa ganun.. pero syempre mas ok sana kung maging normal na babae na lang sya.. pero wala naman akong magagawa kundi basahin ang mga post nya etc. kanina dumaan ako sa farmers. sya ang naaalala ko habang lumalakad ako. tapos bigla kong naalala ang kantang "mariposa". laging bitin. gusto ko pa syang makasama at makilala. gusto ko ding bumawi sa kanya. nakakainis. asar asar asar. bitin ang 3 oras mahigit na pakikipagusap sa kanya. bakit sa kanya pa ako nainlove? asar. siguro ang tipo kong babae ay yung katulad nya. madaldal, pala kwento, wild etc. yung tipong parang tulad ni "jen". sana makakita ako ng ibang babae na parang tulad nya pero normal na babae lang. o sana magretire na si anne ngayong week.. makikipagusap/chat/text na kaya kami ng normal kung magretire na sya? madami ding nakaabang bumakod sa kanya.. may laban ba ako sa mga yun? inaabangan ko pa naman syang magonline ngayon pero syempre malabo yun dahil nga may kawalk na naman sya =( magbabago pa kaya sya? sana oo. wasak na wasak na naman ako ngayon. gusto ko ng tanduay ice yun nga lang e naubos ko na kaninang umaga.


anne sana maging normal ka na uling babae. please? =( sana talaga mayaman ako kaso nga lang hindi. kung naging mayaman lang ako e di ako magdadalawang isip na maging galante sayo basta ba tumigil ka na sa ganyang trabaho.. asar. wala akong magawa =(

"Nagsisising matatapos ang gabing alam naman nating meron nang taning. Nagsisising gigising sa katotohanan 'di ka naman talaga akin"

oo nga di naman talaga sya akin. nagiging akin lang sya sa loob ng 3 oras =( laging may taning.. anne itext o ichat mo pa din sana ako kahit pa ba ganun.. kahit masakit ok lang. sabagay masochist naman ako hehe. =( ingat ka po palagi. pag nagkaroon ako ng lakas ng loob ipapabasa ko sayo tong blog na to.

Linggo, Setyembre 4, 2011

mama anna.

himala! chinat nya ako! nagreply din sya sa mga text ko. sana lagi syang ganito sa akin. gulat ako binigay nya yung ym nya sa akin ibig sabhin kaya ay may tiwala na sya at tinuturing na nya akong kaibigan? nagenjoy ako kanina ng sobra. nabadtrip man ako sa pagkawasak ng cp ko e ok lang dahil nawala naman pagkabadtrip ko dahil kay anne. sana ay nagenjoy din sya sa mga pangtritrip namin sa iba't ibang yahoo rooms. sana lagi na nya akong itext at ichat, hinding hindi ako magdadalawang isip na paloadan yang globe ko basta ba itetext nya ba ako lagi e hehe.sana talaga tuloy tuloy na to. sana makilala ko pa sya ng lubusan. sana tigilan nya na yung trabaho nya at maging isang normal na babae na lang. maiiyak daw ako kung ipapaalam nya kung anong meron sa aug 3. gusto kong malaman yun kahit pa ba masaktan ako ok lang. sana isang araw ishare nya sa akin yun. mukhang natuloy pala sila sa gimik nila kagabi, no match ako dun sa isang gm na katabi nya. may looks at mukhang mayaman pa. may pagasa kaya ako kay anne? sa ngayon magbubulag bulagan na lang muna ako. sana may pagasa ako sa kanya. kahit kaibigan lang ok na .. bonus na lang siguro kung more than friend.. bahala na. bukas din pala may mga aaplayan ako.. sana tsumamba ako ng may malipatan na at makatanggap ng mas malaking sahod ng malibre ko si anne ng bonggang bonga at medyo makatapat na ako sa ibang GMs dyan..


goodnight anne. nagenjoy talaga ako kanina. sana ikaw din. sweet dreams sa atin. sa uulitin =)