Sabado, Setyembre 3, 2011

WASAK NA WASAK.

ok nagkita kami uli kanina. kala ko makakabawi na ako sa kanya. sinabi ko din sa kanya na makakabawi na ako, pero hindi pa din pala ako nakabawi sa kanya. lalo lang nadagdagan ang kahihiyan ko sa kanya. tinanong nya ako kung naiinlove ba ako sa kanya? oo natotorpe ako sa kanya. natatakot din kasi ako na pag umamin ako sa kanya ay lalo na nya akong hindi pansinin. ang masama pa dun e baka di na kami maging magkaibigan. nakakahiya talaga ako. sana maayos ko tong problema na psychological sa akin. hindi ko naipakita yung 3 candy na remembrance nya sa akin, hindi ko din sya nabilhan ng remembrance. sabi nya kahit na retired na sya ay magkikita pa din kami.. kelan kaya yun? at seryoso ba sya dun? sana nga ay seryoso sya. sana makabawi ako sa kanya. sana mabigyan ko sya ng magandang remembrance na tipong pag nakikita nya yung bagay na iyon e ako ang maaalala nya. sana itext at ichat nya pa din ako kahit na nagkaletse letse na naman ako kanina. sana ituring nya akong kaibigan kahit na hindi na "business" ang  aming pinaguusapan. sana makapagkita pa din kami. sana makabawi ako sa kanya. =[ sana retired na talaga sya for good..

anne tama nga siguro ang sinabi mo sa akin. hindi sex ang habol ko. gusto ko nga lang talaga sigurong makasama.ka pero gusto ko din talagang makabawi sayo sexually pero hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sayo. sa susunod hindi na ako matotorpe. bahala na. isusugal ko na to. sana wag mo akong iwasan. =( goodnight anne. itetext mo pa din sana ako ah? at magrereply ka sa mga pm ko sa fb ah? please?

naiinlove nga ba ako sa kanya? oo naiinlove ako sa kanya pero di ko alam kung pano yun sasabihin sa kanya.


anne parang awa mo na.. magtext o magonline ka naman. andami kong gustong sabihin/ikwento sayo na hindi ko kayang ikwento/sabihin kanina habang magkasama tayo.. please text text naman tayo o kahit chat..  =(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento