Lunes, Agosto 15, 2011

is the juice worth the squeeze?

bagsak na naman ako kanina. sa tingen ko kayang kaya ko yung trabaho pero ang hirap talaga nung technical question na yun. kung marunong lang sana akong gumamit ng firewall medyo nasagutan ko na yun. kelan kaya ako aasenso?

dahil sa bagsak ako, mukhang medyo matatagalan pa ang aming muling pagkikita. pero nagulat ako sa wall post nya sa akin. seryoso ba sya dun? interesado kaya sya sa akin kahit papaano? totoo ba yung mga emoticon nya na nilalagay sa text/forums? may pagasa kaya ako sa kanya? kanina naalala ko ang pelikulang girl next door. isa ito sa pinakapaborito kong pelikula. ang bida dun ay nailigtas yung babae sa pagiging patapon. "I just want you to know that I know who you really are, and you're better than this." yan ang linya ng bidang lalake sa bidang babae. masabi ko din kaya sa kanya yan? e ang tanong.. close na ba kami? kilala ko na ba talaga sya? ok lang bang makipagkaibigan sa kanya? totoo ba yung mga pinagsasabi nya sa akin? nababaliw na ata ako haha. antagal ko na din hindi naramdaman ang ganitong feeling. yung feeling ng naiinlove sa babaeng talagang gusto mo.. para na naman akong nasa highschool amp. pero sana maging close kami.. sana makilala ko talaga sya.. sana maging magkaibigan kami.. sana mabago ko din sya tulad ng ginawa ni matthew kay danielle. sana umasenso na ako.

e pano kung ganyang lang talaga sya at sadyang marupok lang ako? ewan ko. basta inlababo ako ngayon sa kanya. kaya ko nga tinatanong e.. " is the juice worth the squeeze?" sana makapagkita na kami uli..

"masyado ka !.. wag mo ko mahalin tange. mababaliw ka nyan .. okay lang yan ;("


oo anna.. parang nababaliw na nga ako,


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento